Advertisement

Mga Bigating Players ng NBA Nag Drop out sa TEAM USA para sa FIBA WORLD CUP 2019

Mga Bigating Players ng NBA Nag Drop out sa TEAM USA para sa FIBA WORLD CUP 2019 #TambayAvenue #TeamUSA #FIBAWorldCup #KaLiga

Magandang araw mga ka liga, This is Tambay Avenue at balitang Fiba World Cup tayo partikular na ang team USA na konti nalang ang mga bigating NBA players na maglalaro dahil karamihan sa kanila ay mag-aadjust pa umano sa kanilang team dahil nga sa malawakang trade at free agency na kamakailan lang naganap. Ang mga na nag drop out bilang player ng team USA ay sina Bradley Beal na kasalukuyang player ng Washington Wizards, Anthony Davis na nasa LA Lakers na ngayon, DeMar DeRozan na nasa San Antonio Spurs, Eric Gordon na nasa Houston Rockets, James Harden na star player ng team ng Houston Rockets, Tobias Harris na nasa team ng Philadelphia 76ers, Damian Lillard na star player ng Portland Trail Blazers, CJ McCollum na nasa Trail Blazers din at maging ang number 1 overall pick na si Zion Williamson na umayaw nga dahil sa kanyang injury at ayon sa mga sports analyst ay out of shape nga at kailangan magpa kondisyon bago magsimula ang regular season ng NBA, isa pang news para kay Zion ay ang kanyang sneaker deal sa Brand na Jordan na ayon sa source ng forbes.com ay nasa tuamataginting na $75 million dollars sa loob ng 7 years. Dahil nga nag drop out ang mga binanggit natin sa koponan ng USA ay pinalit naman sina PJ Tucker na naglaro sa Houston Rockets, Marcus Smart na player ng Boston Celtics, Thaddeus Young na nasa Chicago Bulls, Jaylen Brown na nasa Boston Celtics at Julius Randle na nasa New York Knicks. Ano sa tingin nyo mga ka liga sa panibagong mga nadagdag at nawala sa Team USA makukuha pa kaya nila ang Championship trophy sa FIBA World Cup? Comment Below mga ka liga at wag kalimutang mag subscribe para sa mga di pa subscriber at i click ang notification Bell icon para di nyo ma miss ang aming mga bagong videos at announcements. Once again, this is Tambay Avenue at Kita kits sa aming susunod na video.

Tambay Avenue,James Harden,Team USA,FIBA World Cup 2019,Damian Lillard,Anthony Davis,Zion Williamson,Bradley Beal,team usa basketball,NBA,Basketball,Dream Team,

Post a Comment

0 Comments